Biyernes, Setyembre 30, 2011

Ikaw at Ako

Ikaw at ako pinagtagpo 
Nag-usap ang ating puso 
Nagkasundong magsama habang-buhay 
Nagsumpaan sa Maykapal 
Walang iwanan tag-init o tag-ulan 
Haharapin bawat unos na magdaan 
Sana'y di magmaliw ang patingin 
Kay daling sabihin kay hirap gawin 
Sa mundong walang katiyakan 
Sabay nating gawing kahapon ang bukas
Ikaw at ako pinag-isa 
Tayong dalawa may kanya-kanya 
Sa isa't isa, tayo ay sumasandal 
Bawat hangad kayang abutin 
Sa pangamba'y di paaalipin 
Basta't ikaw, ako , tayo magpakailanman 
Kung minsan ay di ko nababanggit 
Pag-ibig ko'y hindi masukat ng anumang lambing 
At kung magkamali akong ika'y saktan 
Puso mo ba'y handang magpatawad 
Di ko alam Buhay ko'y Umabot man 
Kapit-puso ang gagawin kung mawala ka may kahulugan tuwing ako'y iyong hagkan sa'ting huling hantungan kitang hahayaan, ngayon at kailanman, ikaw at ako


















--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Huwebes, Setyembre 29, 2011

EWAN..

Hindi talaga natin alam kung kailan Niya tayo kukunin o kung kailan tayo mabubura sa sirkulasyon ng mundo. Hindi tayo tulad ng isang delata na may nakatatak na expiration date o kaya naman ng isang tinapay na may pahiwatig na kapag may amag na, sira na, di na pede, wala na.

Ganun lang. Walang pinipilig edad. Bata o matanda, may karamdaman man o wala. Pedeng ako at pede ring ikaw. Katok.

Kung oras mo na, oras mo na
. Ang daling sabihin noh? pero.. kung iisipin, parang nakakatakot din. At kung ako ang tatanungin, parang di ko kaya, hindi pa ako handa. Paano na lang ang mga maiiwan ko? ang pamilya ko? si SALTIK ? Pero may magagawa nga ba ako kung isang hakbang ko na lang ay oras ko na? Ewan ko. Hindi ko alam.

Halimbawang eto na at nasa dulo ka na ng hinahawakan mong lubid, magagawa parin kaya natin magtanong ng "bakit"? Kung bakit ngayon at kung bakit ako? Pede pa kaya tayong humirit ng isa o dalawa pang buwan? O kaya isang minuto para mag-post sa status mo sa facebook
"G0ttah goh guyyz.. ingattzz ke0wz.. muuuaahmuaahhuuggzz!". Pede pa kaya? Ewan ko. Hindi ko parin alam.






--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Dalawang Timang

Yung dalawang taong kakilala ko
Kung pakikinggan mo
Parang may mga sapak ang ulo

Minsan akala mo simple lang

Sa kanila ok na
Dun masaya na sila
Yung mga bagay na walang kwenta
Sa kanila Big deal na

Mga usapang walang sense

Dun sila nag uumpisa
Matatapos ang kwento
Sa walang tigil na argumento

Para silang mga gago

Parang mga abnormal na tao
Pero dun sila nakukuntento
Yung mga murahan
At pangga-gago ,
Letche , peste at sira ulo
Sa kanila  yon ang batian .
Yung mura Di pwedeng mawala sa usapan

Araw-araw di sila napapagod , kwentuhang katakot-takot

Lagi nalang silang puyat sa kauusap sa telepono
Araw-araw usap Pero dinaman sila maubusan ng mga kwento

Minsan Mag-aaway sila  buong isang linggo

Wala silang pansinan , di nag iimikan
Walang usap , walang chat , text o telepono
Lahat nakasarado pati number ng telepono burado

Pareho silang na pa-praning

Sa bawat araw na dumarating
Pero di rin naman  sila nakaka tiis ..
Lalo pag masyado na nilang na mi-miss
Yung routine na dina nila  maalis.

Mag sisisihan, kanya-kanyang dahilan

Pero pagtapos ng paliwanagan Naaayos din naman
Pag tapos mag areglo.. Ito na naman
Umpisa na naman silang magkulitan.. Parang mga baliw na naman

Yung dalawang yun dati silang mag nobyo

Ngayon mag best of friends daw ang mga taranto..



--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Loving the IMPERFECT

 (A Short Story)

Ted and Hannah have been married for two years. Ted loves literature and often posts his work on the net, but nobody ever reads them. He is also into photography and he handles their wedding photos. Ted loves Hannah very much. Likewise with her. Hannah has a quick temper and always bullies him. Ted is a gentleman and always gives in to her.

Today, Hannah's being willful again.

Hannah: "Why can't you be the photographer for my friend's wedding? She promised she'd pay."
Ted: "I don't have time that day."Hannah: "Humph!" Ted: "Huh?"
Hannah: "Don't have time? Write less of those novels, and you will have all the time you need."
Ted: "I... someone will definitely recognize my work some day." Hannah: "Humph! I don't care, you'll have to do it for her!" Ted: "No." Hannah: "Just this once?" Ted: "No."

Negotiation's broken. So, she gave the final warning: "Give me a Yes within three days, or else..."

First day, she "withheld" the kitchen, bathroom, computer, refrigerator, television... Except the double bed, to show her "benevolence".

Of course, she has to sleep on it too. He didn't mind, as he still has some cash in his pockets.

Second day, she conducted a raid and removed everything from his pockets and warned, "Seek any external help, and you bear the consequences."

He's nervous now. That night, on the bed, he begs for mercy, hoping that she'll end this state. She doesn't give a damn. No way am I giving in, whatever he says. Until he agrees.

Third day, night. On the bed. He's lying on the bed, looking to one side. She's lying on the bed, looking to the other side.
Ted: "We need to talk." Hannah: "Unless it's about the wedding, forget it."
Ted
: "It's something very important."

She remains silent.
Ted:"Let's get a divorce."
She did not believe her ears.
Ted: "I got to know a girl."

She's totally angry, and wanted to hit him. But she held it down, wanting to let him finish. But her eyes already felt wet. He took a photo out from his chest. Probably from his undershirt pocket, that's the only place she didn't go through yesterday. How careless.
Ted: "She's a nice girl."
Her tears fell.
Ted: "She has a good personality too."
She's heartbroken because he puts a photo of some other girl close to his heart.
Ted: "She says that she'll support me fully in my pursue for literature after we got married."

She's very jealous because she said the same thing in the past.
Ted: "She loves me truly."
She wishes to sit up and scream at him "Don't I?"
Ted: "So, I think she won't force me to do something that I don't want to do."

She's thinking, but the rage won't subside.
Ted: "Want to take a look at the photo I took for her?" 
Hannah: "...!"

He brings the photo before her eyes. She's in a total rage, hits his hand away and leaves a burning slap on his face.

He sighs. She cries.
He puts the photo back to his pocket. She pulls her hand back under the blanket.

He turns off the light, and sleeps. She turns on the light, and sits up. He's asleep. She lost sleep. She regrets treating him the way she treated him.

She cried again, and thought about a lot of things. She wants to wake him up. She wants to have a intimate talk with him. She doesn't want to push him anymore. She stares at his chest. She wants to see how the girl looks.

She slips the photo out. She wanted to cry and she wanted to laugh.

It's a nicely taken photo. A photo he took for her. She bends down, and kissed him on his cheek.

He smiled. He was just pretending to be asleep.

"You learn to love, not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly."







--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Biyernes, Setyembre 23, 2011

Para Sa Kanya.

I can't sleep alone no more
Since the day I first heard your voice
I lie awake in bed
With thoughts of you in my head

When I look into your eyes
My mind drifts into the sky
I tilt my head and weep
She turns this way my knees are weak

I know I don't deserve you
But thank God I've found you
To have you and to hold you
Would be the greatest thing
That I could ever know

And if I'm dreaming
Please don't wake me up
Cause I'd go insane
Without you near me

And while you're sleeping
I'm still standing up
Cause I'd go insane
Without you near me.




--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Linggo, Setyembre 11, 2011

C.R. ng MAYAMAN

WARNING: SA MGA MAYAMAN, WAG NYONG BABASAHIN

Sa Pilipinas, normal na ang mga CR na may bayad. May P2 at may P5. Kadalasan di ito malinis kahit na may bayad. Kahapon, nagpunta kami ng mga barkada ko sa isang mall na katabi ng Araneta Coliseum (Siguro alam nyo na yun). Nalibot na ata namin ang buong mall sa kahahanap ng C.R.. Sa wakas at nahanap na rin namin. 
Nang Papasok na kami, tinanong ko sa kasama ko

Ako: May bayad ata to eh
Kasama ko: Wala yan, Mall to, di to Bus Stop

Pagkapsok namin sa C.R. :

Janitor: Sir TICKET nyo?
*$!#@$$ ! Ano to sinehan?! 
Lahat kami ay Biglang bigla. Lahat na ata ng mura nasabi namin 

Kaya ayun, pumunta kami sa TICKET BOOTH (parang sinehan talaga amp)

Ako: Pare la ako barya kaw na lang magbayad
Kasama ko1: ako rin tsong
Kasamo ko2: Sige (sabay kuha ng P6 sa bulsa)

Nung binibigay nya na ang P6

Magtiticket: Sir kulang to. P10 isa

wtf?! ihi for P10 ?! For P10?! whoa.
P30- isang kaha ng Mars (Marlboro) na yan ah

Nagisip pa kami. Inisip na namin na sa Jollibee na lang kami umihi.
Pero, nandun na kami eh. Ang dami pa namang nakatingin sa amin. Baka isipin nilang pumunta kami ng mall na walang pera, kaya ayun, nag-CR kami sa CR ng MAYAMAN

Nandun na kami sa CR. Nung umiihi ako. Meron akong napansin:
Sa lahat ng pumapasok sa CR na yun, lahat silay binibigla ng Janitor

Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?

Lahat sila napapamura. Lahat sila napapa "HA?". Lahat sila naBWIBWISET.

Nung patapos na kami 

Kasamo ko1: Tutal mahal ang bayad, Ipabahay na natin to, Tetetats na lang ako! (Magbabawas daw)

Ang Masasabi ko:

Napakahirap na ang buhay sa Pilipinas. Bakit ba pati C.R. eh ang lakas nyong manubo? Ok lang naman kong P2, at medyo ok rin kung P5. Pero pag P10 na eh, below the pocket-line na yun. Dapat ko pa ba tong iharap sa Imbestigador o sa XXX para mahinto ang napakawalanghiyang operasyon na to. Hold-up yun eh. Hold-up mga pare. Kailangan maireport to sa BIR. 

P.S. : Sa mall na yun, wala na akong masasabi






--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Sabado, Setyembre 3, 2011

sa loob ng apat na sulok na BULOK.




nang nasa loob ako ng aming silid
ako’y umupo sa pinakagilid
pinagmamasdan ang buong paligid
ngunit wala akong napala sa aking pagmamasid
ang katahimikan ang namayani sa aking isipan
hindi ko na tuloy namalayan ang mga kaganapan
mga pangyayari sa loob at labas man
panandalian kong nilisan ang silid-aralan
ngunit tila may humila sa akin para magbalik
doon ko lamang napansin ang ibat-ibang salik
salik kung bakit di ko ninais ng magtagal sa looban
dahil sa mga hindi magagandang bagay na hindi ko malabanan

ang mahalimuyak na ihip ng hangin na may dalang kabahuan
ang mamahalin na display na electric fan
ang ilaw na tila di ilawan
ang magulo at sira-sirrang upuan
ang black board na walang chalk at pambura
pintuang hindi ma malaman kung paano isasara
flatform ng guro na gumuho na
lamesa ni Maam/Sir na ninanakaw ng iba,
classroom na binabaha,
classroom na mukhang tutumba,
gurong magulo at di maintindihan,
sa hina ng boses hindi mo na malaman ang usapan,
bayarin na walang katapusan,
kaklase na walang kapagod-pagod magdaldalan

kung sa apat na sulok na ito tayo ay bulok
paano pa ang lipunan nating baluktot
kailan ko kaya malalagay ang tuldok ?
kailan kaya makakarating sa magandang tuktok
na kung saan ang kapangitan
hindi madagdagan kundi mapalitan !



--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--