Lunes, Agosto 1, 2011

si INA..

(alay sa isang kakilala..)


Isang umaga nagising akong may gumigising sa akin

"Anak gising na, anak bumangon ka na dyan. baka mahuli ka sa eskwela."

si INA pala.



Kay aga pa lang gising na! Nagluto para sa akin almusal.

Pati mainit na tubig na pampaligo ay nandoon na.

Handa na din ang mga damit ko na susuotin.

Matapos ko kumain, maligo at magbihis

ako'y kanyang ihahatid pa palabas ng bahay

at tatanawin hanggang sa tuluyan ng makaalis.



Sa araw-araw na ginawa ng DIYOS.

Paulit-ulit ang trabaho ni INA.

Araw-araw niya akong pinaglilingkuran parang hindi napapagod parang hindi nagsasawa.

Paglalaba. Paglilinis ng bahay. Pagluluto ng makakain.

Taos pusong pag-aalaga at ang wagas niyang pagmamahal.



Hindi man nagtratrabaho si INA sa labas para kumita.

Ngunit ang pasan niyang obligasyon sa loob ng aming pamamahay ay mas mabigat na responsibilidad para sa iba.

Lahat ng mga bagay na iyon akin naman nakikita batid sa aking kaalaman pero hindi dumating sa punto na ako'y magpapasalamat sa kanya dahil ang buong akala ko nandyan lang naman si INA at hindi mawawala.



Ngunit ako'y nagkamali.Dumating ang mga araw wala ng gumigising sa akindahil wala na si INA.

Napagod na ata si INA kaya bigla siyang namaalam.

Ang mali ko at pinagsisihan hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya.



Salamat INA sa iyong pag-aaruga.

Salamat INA sa iyong wagas na pagmamahal.

Salamat INA sa iyong walang sawang pagsubaybay.

Salamat sa pag-aalaga tuwing ako'y may sakit.

Salamat dahil ikaw ang nagturo sa akin ng ABAKADA

at maging ang pagsulat ng aking pangalan.



Salamat kasi araw-araw andyan ka

nakikinig sa mga dinaramdam namin

Alam mo nga kung kailan kami malungkot

o kung kailan kami may problema

dahil ba sa iyo kami nagmula?

dahil ba sa loob ng siyam na buwan tayo ay iisa at magkasama?

kaya ramdam mo ang nararamdaman ko.



Ang dami kong dapat ipagpasalamat

Ang dami ko pang dapat sabihin sa iyo.



pero huli na ba??????????????????????????????????????????????????????????????????

????????????????????????????????????????????????????????????????????



Malalaman mo pa kaya?

ang mga nais kong ipabatid

Madarama mo pa kaya ang aking nadarama?



Ngayon wala kana.



Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon

na sabihin sayo na MAHAL NA MAHAL KITA!

Hindi ko man lang nasuklian ang kabutihan mo INA.

Hindi ko man lang nagawa ang mga bagay na ginawa mo sa akin.



Sana andito ka pa.

Ang hirap pala kapag wala ka na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento