Sabado, Oktubre 29, 2011

Today.

it feels good writing again.
cant remember feeling this good in months..
sigh.
i swear this time around..
no one can burn or delete my poems/essay/story/idea/kabalbalan..
to hell with exes. =]]








--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat-- 

Lunes, Oktubre 17, 2011

SICK

Yes I am...

Looks like I am sick. I have the whole package. Colds, cough, and phlegm that have been plaguing me since yesterday. I feel that I have this weight upon me. I can not stay too long in the air-con or at cold places because my condition only gets worse. I believe in a saying that "Man is sick if man believes he is." Well, that belief did not go well. It really is a sad thing being sick and all, but hey at least it beats laying around with nothing to do. I would be preoccupied and would think of my condition. Therefore, leaving me with things to do. Why am I still posting here even though my condition is at its worst? Well, I feel that I have to write things that are on my mind even if it takes up some of my energy which in my case, I should not waste.

Ah well, Maybe when I post my next "entry" I would be feeling a bit better.






--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat-- 

Lunes, Oktubre 10, 2011

BYAHE NG JEEPNEY

Kilala ang bansa natin sa jeepney. Jeepney na sumasalamin sa pagiging malikhain nating mga pinoy. At iyon ay totoo nga walang kaduda-duda. Ang jeepney ay hindi lamang nagpatanyag sa atin sa larangan ng sining maging sa labanan ng buhay. Ang ilan sa ating mga mamamayan ito ang hanapbuhay. At tila naging bahagi ng sirkulasyon ng pangkaraniwang magdamag ng pilipino ang jeepney. Halos lahat tayo ay nakasakay na dito at ang karamihan pa nga ito ang ginagamit pangtransportasyon.
 

Isa ako sa mga libo-libong mamayan na sumasakay ng jeepney. Bawat araw nakikipagbabakan ako para makasakay lang.  Malaking tulong kasi ito sa akin dahil bilang studyante malaki ang aking natitipid bagamat mahirap lang talagang sumakay.  Kaya nga ng umuso ang awitin ni yeng constentino na love story sa jeepney  tila nakarelate ako tulad ng karamihan.  Bilang isang pasahero masasabi ko na marahil malaki ang naging market ng album na ito dahil sa patok ito sa mga jeepney driver at passenger .        
                                                                 

                             
                                                                                                                                
                                                                       
 Talagang kakaiba ang jeepney hindi tulad ng ibang sasakyan.Maraming nagaganap na eksena sa loob at labas ng  jeep.  Maikli man o mahaba ang byahe kaya di na nkakapagtaka kung ang mga senaryo maging ordinayo na langito sa ating mga mata.  Marahil  pamilyar na rin kayo sa mga eksenang tulad ng ss:


—natutulog na tulo ang laway
—taong na kalagpas na sa kanyang babaan
—traffic na lagpas isang oras
—magmumura dahil kulang ang sukli
—tulakan at agawan
—babaeng feel na feel ang hangin sa bintana ng jeep
—driver na mahuhuli ng blue boys
—siksikan tapos katabi mo mataba
—driver na walang pakialam sa pashero
—pasimpleng 1-2-3
—umuulan tapos walang trapal pang asar talaga
—kembot sa kanan kembot sa kaliwa may nakasbit na hindi pa rin puno sabi ng driver.
—lalaking pilit na mangbubuso sa katabing babae
—babaeng kinulang sa tela ang suot
—nagtetext o kaya may kausap sa phone
—masisiraan ung jeep
—pasaherong mukhang terorista
—magnanakaw na nakakatakot
—mga grupo ng maiingay sa sakay
—tawanan na parang ikaw ang pinaguusapan
—taong tahimik lang
—lalaking natutulog halos hihiga na piling kama ung upuan
—magsyotang kala mo asa park makapaglampungan wagas
—foreigner na hindi mo maintindihan
—stereo nakakabingi
—taong may headset sa tenga kala mo talaga seryoso
—lalaking gentleman(ako lang ata to? joke.)
—matatandang pinagchichimisan ang buhay ng may buhay
—kanya kanyang emosyon at facial expression
—at pababain ka ng driver dahil mag-isa ka na lang wala syang pakialam kung makasakay ka pa ulit.

sa loob palagi ng aking byahe tila immune na ako sa ganyang pangyayari. Kahit sino man sa atin masasanay kung buong buhay mo ba aman  ay halos bestfriend mo na ang jeep lagi mo kasing nakikita dahil kailangan.  Laging tatandaan "barya lang po  sa umaga" (joke) ito talaga ang dapat tandaan “INGAT”.                                                                                                                                                                                                        

“BAWAT PASAHERO AY MAY KANYA-KANYANG KWENTONG DAPAT IRESPETO. NAWA’Y GAWIN ITONG GABAY SA MGA SUSUNOD PANG PAGLALAKBAY..”
ITO ANG…




--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Sabado, Oktubre 8, 2011

MAGULONG MUNDO



ANG MUNDO AT ANG MGA HAYOP
KAYANG MABUHAY 
KAHIT WALANG TAO.

PERO ANG TAO
HINDI KAYANG MABUHAY
NG WALANG HAYOP AT MUNDO

"KAYA SIGURO MADAMING TAO ANG MAKAMUNDO AT NAGPAPAKAHAYOP"





--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Lunes, Oktubre 3, 2011

OFW


Bata pa ‘ko nang maisipan ng mama kong mag-abroad. OFW or Overseas Filipino Worker daw ang tawag sa kanya. Hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin nun. Di ko rin maalala kung ano ang naramdaman ko nung umalis siya. Basta ang alam ko lang, may may malaking box kami pag pasko at ‘pag umuuwi si mama, sigurado, maraming pasalubong.

Noong mag-Hongkong si mama, dun ko naranasan kumain ng masasarap na tsokolate; Cadbury, M&M, Snickers at marami pang iba. Dati kasi Chocnut at egg chocolate lang ang kayang ibili ng mama ko sa amin. ‘Nung panahong din iyon ako nagkaroon ng mga magaganda at mukhang mamahalin na mga school supplies⎯notebooks, retractable pencil, scented ballpens, pati scented erasers. Nadagdagan ang mga koleksyon namin sa bahay. Minsang umuwi si mama, may dala na siyang wool rug (bukod pa sa mga figurines na korteng ewan). Galing daw ‘yung sa balat ng isang tunay na tupa. Ang dami niyang dala. Nakakatuwa. Feeling rich na ko ‘nun! Lalo na sa mga classmates ko.

After a couple of years, umuwi na si mama(pero bumalik din naman.) Na-homesick daw siya. Hindi ko na inintindi usapan nila ni kuya at ni mami(lola ko.) Kasi hindi ko naman talaga naiintindihan ang mga hinaing niya. Ang mga personal na hinaing ng isang OFW, until today.

Ang akala ng iba ‘pag sa abroad ka nagta-trabaho, marami ka nang pera. Kahit ano kaya mo nang bilhin. Kung dati naglalaway ka lang sa mga branded or signatures na mga gamit, ngayon kaya mo ng bilhin basta may dolyar ka. Ilan na nga bang pinoy ang naging successful matapos mangibang-bayan? Ang nakabili ng bahay at sasakyan? Ang nakapagtayo ng negosyo? Marami-rami na rin sila. Pero hindi natin alam kung ano ang mga sinuong nila para makuha lahat ‘yun? Now I can speak for most of them. Isa na rin kasing OFW ang asawa ko. Eventually ako rin. Sa ngayon, isa muna akong dakilang may-bahay.

Sana ‘wag isipin ng iba na madali lang makuha ang pera. Kung paano kumakayod ang isang Pinoy sa sariling bansa, ganun din sa banyagang lugar. Minsan nga doble o triple pa. May kaibigan ako na nakatira na US. Green-card holder, may dalawang trabaho. Araw-gabi kung kumayod. Kung minsan, ginagawang araw ang gabi pero wala pa rin naiipon. Lahat kailangan ipadala sa pamilya niya sa ‘Pinas. Marami din kasi ang umaasa sa dolyar na padala niya. Dito sa atin, marami din tayong mga kababayan ang nagbabaka-sakaling umunlad. Kumakayod ng doble para lang sa mga umaasang pamilya. Suma-sideline para lang kumita ng mas malaki. Kung gaano kahirap ang buhay ng mga iniwang pamilya sa ‘Pinas, ganun din ang paghihirap ng loob nila dito. Marami nga ang successful, pero madami din ang lugmok. Ang hindi alam ng ilan, kailangan pang magbenta ng laman ng iba para lamang madagdagan ang perang ipapadala. Akala ng iba, OK ang buhay ng OFW. Hindi naman lahat ganun. Kasi hindi naman lahat pinapalad.

Ngayon ko naintindihan kung bakit madaming umuuwi agad na mga OFW.  Sa ibang bansa, higit pa sa homesick ang kalaban mo. Kalaban mo ang sarili mong pag-iisip. Kung nasanay ka na parang palaging may liga ng basketball sa bahay niyo, ‘pag OFW ka, masasanay ka na mabuhay mag-isa. Suwerte mo kung marami kang kasamang Pinoy; marami kang kakuwentuhan. Pero pag patay na ang ilaw at tulog na ang ilan, kulang na lang ay pitikin mo ang buwan para palitan na ng araw. Nakakabaliw ‘pag gumagabi. Nakakaloka ang magising na wala ang mga nakasanayan mong katabi. Siguro ‘yun ang di kinaya ni mama dati.

Kung ang batayan ay ang mga tiniis na hirap at mga sakripisyo ng isang OFW para lang buhayin ng marangal ang kanyang pamilya, tama nga lang na tawagin siyang bagong bayani. Dahil sa bawat dolyar, dirham, yen, o pounds na ipinapadala nila (kasabay ang mga request na rubber shoes, pabango, bag, shades at gintong alahas), ganun din ang katumbas ng pawis, pagod at homesick na tinitiis nila. Kaya kung may kapamilya kang OFW, makuntento ka na muna sa kung anong meron ka at matuwa na sa kabila ng lahat, nakakatawa pa rin sila.






--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--