Bata pa ‘ko nang maisipan ng mama kong mag-abroad. OFW or Overseas Filipino Worker daw ang tawag sa kanya. Hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin nun. Di ko rin maalala kung ano ang naramdaman ko nung umalis siya. Basta ang alam ko lang, may may malaking box kami pag pasko at ‘pag umuuwi si mama, sigurado, maraming pasalubong.
Noong mag-Hongkong si mama, dun ko naranasan kumain ng masasarap na tsokolate; Cadbury, M&M, Snickers at marami pang iba. Dati kasi Chocnut at egg chocolate lang ang kayang ibili ng mama ko sa amin. ‘Nung panahong din iyon ako nagkaroon ng mga magaganda at mukhang mamahalin na mga school supplies⎯notebooks, retractable pencil, scented ballpens, pati scented erasers. Nadagdagan ang mga koleksyon namin sa bahay. Minsang umuwi si mama, may dala na siyang wool rug (bukod pa sa mga figurines na korteng ewan). Galing daw ‘yung sa balat ng isang tunay na tupa. Ang dami niyang dala. Nakakatuwa. Feeling rich na ko ‘nun! Lalo na sa mga classmates ko.
After a couple of years, umuwi na si mama(pero bumalik din naman.) Na-homesick daw siya. Hindi ko na inintindi usapan nila ni kuya at ni mami(lola ko.) Kasi hindi ko naman talaga naiintindihan ang mga hinaing niya. Ang mga personal na hinaing ng isang OFW, until today.
Ang akala ng iba ‘pag sa abroad ka nagta-trabaho, marami ka nang pera. Kahit ano kaya mo nang bilhin. Kung dati naglalaway ka lang sa mga branded or signatures na mga gamit, ngayon kaya mo ng bilhin basta may dolyar ka. Ilan na nga bang pinoy ang naging successful matapos mangibang-bayan? Ang nakabili ng bahay at sasakyan? Ang nakapagtayo ng negosyo? Marami-rami na rin sila. Pero hindi natin alam kung ano ang mga sinuong nila para makuha lahat ‘yun? Now I can speak for most of them. Isa na rin kasing OFW ang asawa ko. Eventually ako rin. Sa ngayon, isa muna akong dakilang may-bahay.
Sana ‘wag isipin ng iba na madali lang makuha ang pera. Kung paano kumakayod ang isang Pinoy sa sariling bansa, ganun din sa banyagang lugar. Minsan nga doble o triple pa. May kaibigan ako na nakatira na US. Green-card holder, may dalawang trabaho. Araw-gabi kung kumayod. Kung minsan, ginagawang araw ang gabi pero wala pa rin naiipon. Lahat kailangan ipadala sa pamilya niya sa ‘Pinas. Marami din kasi ang umaasa sa dolyar na padala niya. Dito sa atin, marami din tayong mga kababayan ang nagbabaka-sakaling umunlad. Kumakayod ng doble para lang sa mga umaasang pamilya. Suma-sideline para lang kumita ng mas malaki. Kung gaano kahirap ang buhay ng mga iniwang pamilya sa ‘Pinas, ganun din ang paghihirap ng loob nila dito. Marami nga ang successful, pero madami din ang lugmok. Ang hindi alam ng ilan, kailangan pang magbenta ng laman ng iba para lamang madagdagan ang perang ipapadala. Akala ng iba, OK ang buhay ng OFW. Hindi naman lahat ganun. Kasi hindi naman lahat pinapalad.
Ngayon ko naintindihan kung bakit madaming umuuwi agad na mga OFW. Sa ibang bansa, higit pa sa homesick ang kalaban mo. Kalaban mo ang sarili mong pag-iisip. Kung nasanay ka na parang palaging may liga ng basketball sa bahay niyo, ‘pag OFW ka, masasanay ka na mabuhay mag-isa. Suwerte mo kung marami kang kasamang Pinoy; marami kang kakuwentuhan. Pero pag patay na ang ilaw at tulog na ang ilan, kulang na lang ay pitikin mo ang buwan para palitan na ng araw. Nakakabaliw ‘pag gumagabi. Nakakaloka ang magising na wala ang mga nakasanayan mong katabi. Siguro ‘yun ang di kinaya ni mama dati.
Kung ang batayan ay ang mga tiniis na hirap at mga sakripisyo ng isang OFW para lang buhayin ng marangal ang kanyang pamilya, tama nga lang na tawagin siyang bagong bayani. Dahil sa bawat dolyar, dirham, yen, o pounds na ipinapadala nila (kasabay ang mga request na rubber shoes, pabango, bag, shades at gintong alahas), ganun din ang katumbas ng pawis, pagod at homesick na tinitiis nila. Kaya kung may kapamilya kang OFW, makuntento ka na muna sa kung anong meron ka at matuwa na sa kabila ng lahat, nakakatawa pa rin sila.

--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento