Sabado, Nobyembre 5, 2011

Si Mahal



Sinong mag aakala ika’y aking makikilala? Pagkakataon o sinadya? Dati ikaw ay wala lang ngayo’y para sa ‘kin higit ka pa sa ganda ng ilang-ilang. Malayo man ako sayo, pumikit ka lang.. Ayun ako sa puso mo. Wag ka sanang malungkot o mukha mo ay sumimangot. Sige ka, ikaw ay kukulubot. Haha! Teka bumalik tayo sa ating diskusyon. Ikaw bilang aking inspirasyon. Hoy! Ikaw! Ikaw nga! Sino pa ba? Wala ng iba.. Walang duda. Mikaela Lopez, MAHAL NA MAHAL KITA. Masaya ako sayo, sa piling mo ako nakuntento, ikaw ang dahilan ng pagtibok ng puso ko, mahal na mahal kita pangako.




--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat-- 

Sabado, Oktubre 29, 2011

Today.

it feels good writing again.
cant remember feeling this good in months..
sigh.
i swear this time around..
no one can burn or delete my poems/essay/story/idea/kabalbalan..
to hell with exes. =]]








--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat-- 

Lunes, Oktubre 17, 2011

SICK

Yes I am...

Looks like I am sick. I have the whole package. Colds, cough, and phlegm that have been plaguing me since yesterday. I feel that I have this weight upon me. I can not stay too long in the air-con or at cold places because my condition only gets worse. I believe in a saying that "Man is sick if man believes he is." Well, that belief did not go well. It really is a sad thing being sick and all, but hey at least it beats laying around with nothing to do. I would be preoccupied and would think of my condition. Therefore, leaving me with things to do. Why am I still posting here even though my condition is at its worst? Well, I feel that I have to write things that are on my mind even if it takes up some of my energy which in my case, I should not waste.

Ah well, Maybe when I post my next "entry" I would be feeling a bit better.






--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat-- 

Lunes, Oktubre 10, 2011

BYAHE NG JEEPNEY

Kilala ang bansa natin sa jeepney. Jeepney na sumasalamin sa pagiging malikhain nating mga pinoy. At iyon ay totoo nga walang kaduda-duda. Ang jeepney ay hindi lamang nagpatanyag sa atin sa larangan ng sining maging sa labanan ng buhay. Ang ilan sa ating mga mamamayan ito ang hanapbuhay. At tila naging bahagi ng sirkulasyon ng pangkaraniwang magdamag ng pilipino ang jeepney. Halos lahat tayo ay nakasakay na dito at ang karamihan pa nga ito ang ginagamit pangtransportasyon.
 

Isa ako sa mga libo-libong mamayan na sumasakay ng jeepney. Bawat araw nakikipagbabakan ako para makasakay lang.  Malaking tulong kasi ito sa akin dahil bilang studyante malaki ang aking natitipid bagamat mahirap lang talagang sumakay.  Kaya nga ng umuso ang awitin ni yeng constentino na love story sa jeepney  tila nakarelate ako tulad ng karamihan.  Bilang isang pasahero masasabi ko na marahil malaki ang naging market ng album na ito dahil sa patok ito sa mga jeepney driver at passenger .        
                                                                 

                             
                                                                                                                                
                                                                       
 Talagang kakaiba ang jeepney hindi tulad ng ibang sasakyan.Maraming nagaganap na eksena sa loob at labas ng  jeep.  Maikli man o mahaba ang byahe kaya di na nkakapagtaka kung ang mga senaryo maging ordinayo na langito sa ating mga mata.  Marahil  pamilyar na rin kayo sa mga eksenang tulad ng ss:


—natutulog na tulo ang laway
—taong na kalagpas na sa kanyang babaan
—traffic na lagpas isang oras
—magmumura dahil kulang ang sukli
—tulakan at agawan
—babaeng feel na feel ang hangin sa bintana ng jeep
—driver na mahuhuli ng blue boys
—siksikan tapos katabi mo mataba
—driver na walang pakialam sa pashero
—pasimpleng 1-2-3
—umuulan tapos walang trapal pang asar talaga
—kembot sa kanan kembot sa kaliwa may nakasbit na hindi pa rin puno sabi ng driver.
—lalaking pilit na mangbubuso sa katabing babae
—babaeng kinulang sa tela ang suot
—nagtetext o kaya may kausap sa phone
—masisiraan ung jeep
—pasaherong mukhang terorista
—magnanakaw na nakakatakot
—mga grupo ng maiingay sa sakay
—tawanan na parang ikaw ang pinaguusapan
—taong tahimik lang
—lalaking natutulog halos hihiga na piling kama ung upuan
—magsyotang kala mo asa park makapaglampungan wagas
—foreigner na hindi mo maintindihan
—stereo nakakabingi
—taong may headset sa tenga kala mo talaga seryoso
—lalaking gentleman(ako lang ata to? joke.)
—matatandang pinagchichimisan ang buhay ng may buhay
—kanya kanyang emosyon at facial expression
—at pababain ka ng driver dahil mag-isa ka na lang wala syang pakialam kung makasakay ka pa ulit.

sa loob palagi ng aking byahe tila immune na ako sa ganyang pangyayari. Kahit sino man sa atin masasanay kung buong buhay mo ba aman  ay halos bestfriend mo na ang jeep lagi mo kasing nakikita dahil kailangan.  Laging tatandaan "barya lang po  sa umaga" (joke) ito talaga ang dapat tandaan “INGAT”.                                                                                                                                                                                                        

“BAWAT PASAHERO AY MAY KANYA-KANYANG KWENTONG DAPAT IRESPETO. NAWA’Y GAWIN ITONG GABAY SA MGA SUSUNOD PANG PAGLALAKBAY..”
ITO ANG…




--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Sabado, Oktubre 8, 2011

MAGULONG MUNDO



ANG MUNDO AT ANG MGA HAYOP
KAYANG MABUHAY 
KAHIT WALANG TAO.

PERO ANG TAO
HINDI KAYANG MABUHAY
NG WALANG HAYOP AT MUNDO

"KAYA SIGURO MADAMING TAO ANG MAKAMUNDO AT NAGPAPAKAHAYOP"





--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Lunes, Oktubre 3, 2011

OFW


Bata pa ‘ko nang maisipan ng mama kong mag-abroad. OFW or Overseas Filipino Worker daw ang tawag sa kanya. Hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin nun. Di ko rin maalala kung ano ang naramdaman ko nung umalis siya. Basta ang alam ko lang, may may malaking box kami pag pasko at ‘pag umuuwi si mama, sigurado, maraming pasalubong.

Noong mag-Hongkong si mama, dun ko naranasan kumain ng masasarap na tsokolate; Cadbury, M&M, Snickers at marami pang iba. Dati kasi Chocnut at egg chocolate lang ang kayang ibili ng mama ko sa amin. ‘Nung panahong din iyon ako nagkaroon ng mga magaganda at mukhang mamahalin na mga school supplies⎯notebooks, retractable pencil, scented ballpens, pati scented erasers. Nadagdagan ang mga koleksyon namin sa bahay. Minsang umuwi si mama, may dala na siyang wool rug (bukod pa sa mga figurines na korteng ewan). Galing daw ‘yung sa balat ng isang tunay na tupa. Ang dami niyang dala. Nakakatuwa. Feeling rich na ko ‘nun! Lalo na sa mga classmates ko.

After a couple of years, umuwi na si mama(pero bumalik din naman.) Na-homesick daw siya. Hindi ko na inintindi usapan nila ni kuya at ni mami(lola ko.) Kasi hindi ko naman talaga naiintindihan ang mga hinaing niya. Ang mga personal na hinaing ng isang OFW, until today.

Ang akala ng iba ‘pag sa abroad ka nagta-trabaho, marami ka nang pera. Kahit ano kaya mo nang bilhin. Kung dati naglalaway ka lang sa mga branded or signatures na mga gamit, ngayon kaya mo ng bilhin basta may dolyar ka. Ilan na nga bang pinoy ang naging successful matapos mangibang-bayan? Ang nakabili ng bahay at sasakyan? Ang nakapagtayo ng negosyo? Marami-rami na rin sila. Pero hindi natin alam kung ano ang mga sinuong nila para makuha lahat ‘yun? Now I can speak for most of them. Isa na rin kasing OFW ang asawa ko. Eventually ako rin. Sa ngayon, isa muna akong dakilang may-bahay.

Sana ‘wag isipin ng iba na madali lang makuha ang pera. Kung paano kumakayod ang isang Pinoy sa sariling bansa, ganun din sa banyagang lugar. Minsan nga doble o triple pa. May kaibigan ako na nakatira na US. Green-card holder, may dalawang trabaho. Araw-gabi kung kumayod. Kung minsan, ginagawang araw ang gabi pero wala pa rin naiipon. Lahat kailangan ipadala sa pamilya niya sa ‘Pinas. Marami din kasi ang umaasa sa dolyar na padala niya. Dito sa atin, marami din tayong mga kababayan ang nagbabaka-sakaling umunlad. Kumakayod ng doble para lang sa mga umaasang pamilya. Suma-sideline para lang kumita ng mas malaki. Kung gaano kahirap ang buhay ng mga iniwang pamilya sa ‘Pinas, ganun din ang paghihirap ng loob nila dito. Marami nga ang successful, pero madami din ang lugmok. Ang hindi alam ng ilan, kailangan pang magbenta ng laman ng iba para lamang madagdagan ang perang ipapadala. Akala ng iba, OK ang buhay ng OFW. Hindi naman lahat ganun. Kasi hindi naman lahat pinapalad.

Ngayon ko naintindihan kung bakit madaming umuuwi agad na mga OFW.  Sa ibang bansa, higit pa sa homesick ang kalaban mo. Kalaban mo ang sarili mong pag-iisip. Kung nasanay ka na parang palaging may liga ng basketball sa bahay niyo, ‘pag OFW ka, masasanay ka na mabuhay mag-isa. Suwerte mo kung marami kang kasamang Pinoy; marami kang kakuwentuhan. Pero pag patay na ang ilaw at tulog na ang ilan, kulang na lang ay pitikin mo ang buwan para palitan na ng araw. Nakakabaliw ‘pag gumagabi. Nakakaloka ang magising na wala ang mga nakasanayan mong katabi. Siguro ‘yun ang di kinaya ni mama dati.

Kung ang batayan ay ang mga tiniis na hirap at mga sakripisyo ng isang OFW para lang buhayin ng marangal ang kanyang pamilya, tama nga lang na tawagin siyang bagong bayani. Dahil sa bawat dolyar, dirham, yen, o pounds na ipinapadala nila (kasabay ang mga request na rubber shoes, pabango, bag, shades at gintong alahas), ganun din ang katumbas ng pawis, pagod at homesick na tinitiis nila. Kaya kung may kapamilya kang OFW, makuntento ka na muna sa kung anong meron ka at matuwa na sa kabila ng lahat, nakakatawa pa rin sila.






--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Biyernes, Setyembre 30, 2011

Ikaw at Ako

Ikaw at ako pinagtagpo 
Nag-usap ang ating puso 
Nagkasundong magsama habang-buhay 
Nagsumpaan sa Maykapal 
Walang iwanan tag-init o tag-ulan 
Haharapin bawat unos na magdaan 
Sana'y di magmaliw ang patingin 
Kay daling sabihin kay hirap gawin 
Sa mundong walang katiyakan 
Sabay nating gawing kahapon ang bukas
Ikaw at ako pinag-isa 
Tayong dalawa may kanya-kanya 
Sa isa't isa, tayo ay sumasandal 
Bawat hangad kayang abutin 
Sa pangamba'y di paaalipin 
Basta't ikaw, ako , tayo magpakailanman 
Kung minsan ay di ko nababanggit 
Pag-ibig ko'y hindi masukat ng anumang lambing 
At kung magkamali akong ika'y saktan 
Puso mo ba'y handang magpatawad 
Di ko alam Buhay ko'y Umabot man 
Kapit-puso ang gagawin kung mawala ka may kahulugan tuwing ako'y iyong hagkan sa'ting huling hantungan kitang hahayaan, ngayon at kailanman, ikaw at ako


















--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Huwebes, Setyembre 29, 2011

EWAN..

Hindi talaga natin alam kung kailan Niya tayo kukunin o kung kailan tayo mabubura sa sirkulasyon ng mundo. Hindi tayo tulad ng isang delata na may nakatatak na expiration date o kaya naman ng isang tinapay na may pahiwatig na kapag may amag na, sira na, di na pede, wala na.

Ganun lang. Walang pinipilig edad. Bata o matanda, may karamdaman man o wala. Pedeng ako at pede ring ikaw. Katok.

Kung oras mo na, oras mo na
. Ang daling sabihin noh? pero.. kung iisipin, parang nakakatakot din. At kung ako ang tatanungin, parang di ko kaya, hindi pa ako handa. Paano na lang ang mga maiiwan ko? ang pamilya ko? si SALTIK ? Pero may magagawa nga ba ako kung isang hakbang ko na lang ay oras ko na? Ewan ko. Hindi ko alam.

Halimbawang eto na at nasa dulo ka na ng hinahawakan mong lubid, magagawa parin kaya natin magtanong ng "bakit"? Kung bakit ngayon at kung bakit ako? Pede pa kaya tayong humirit ng isa o dalawa pang buwan? O kaya isang minuto para mag-post sa status mo sa facebook
"G0ttah goh guyyz.. ingattzz ke0wz.. muuuaahmuaahhuuggzz!". Pede pa kaya? Ewan ko. Hindi ko parin alam.






--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Dalawang Timang

Yung dalawang taong kakilala ko
Kung pakikinggan mo
Parang may mga sapak ang ulo

Minsan akala mo simple lang

Sa kanila ok na
Dun masaya na sila
Yung mga bagay na walang kwenta
Sa kanila Big deal na

Mga usapang walang sense

Dun sila nag uumpisa
Matatapos ang kwento
Sa walang tigil na argumento

Para silang mga gago

Parang mga abnormal na tao
Pero dun sila nakukuntento
Yung mga murahan
At pangga-gago ,
Letche , peste at sira ulo
Sa kanila  yon ang batian .
Yung mura Di pwedeng mawala sa usapan

Araw-araw di sila napapagod , kwentuhang katakot-takot

Lagi nalang silang puyat sa kauusap sa telepono
Araw-araw usap Pero dinaman sila maubusan ng mga kwento

Minsan Mag-aaway sila  buong isang linggo

Wala silang pansinan , di nag iimikan
Walang usap , walang chat , text o telepono
Lahat nakasarado pati number ng telepono burado

Pareho silang na pa-praning

Sa bawat araw na dumarating
Pero di rin naman  sila nakaka tiis ..
Lalo pag masyado na nilang na mi-miss
Yung routine na dina nila  maalis.

Mag sisisihan, kanya-kanyang dahilan

Pero pagtapos ng paliwanagan Naaayos din naman
Pag tapos mag areglo.. Ito na naman
Umpisa na naman silang magkulitan.. Parang mga baliw na naman

Yung dalawang yun dati silang mag nobyo

Ngayon mag best of friends daw ang mga taranto..



--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Loving the IMPERFECT

 (A Short Story)

Ted and Hannah have been married for two years. Ted loves literature and often posts his work on the net, but nobody ever reads them. He is also into photography and he handles their wedding photos. Ted loves Hannah very much. Likewise with her. Hannah has a quick temper and always bullies him. Ted is a gentleman and always gives in to her.

Today, Hannah's being willful again.

Hannah: "Why can't you be the photographer for my friend's wedding? She promised she'd pay."
Ted: "I don't have time that day."Hannah: "Humph!" Ted: "Huh?"
Hannah: "Don't have time? Write less of those novels, and you will have all the time you need."
Ted: "I... someone will definitely recognize my work some day." Hannah: "Humph! I don't care, you'll have to do it for her!" Ted: "No." Hannah: "Just this once?" Ted: "No."

Negotiation's broken. So, she gave the final warning: "Give me a Yes within three days, or else..."

First day, she "withheld" the kitchen, bathroom, computer, refrigerator, television... Except the double bed, to show her "benevolence".

Of course, she has to sleep on it too. He didn't mind, as he still has some cash in his pockets.

Second day, she conducted a raid and removed everything from his pockets and warned, "Seek any external help, and you bear the consequences."

He's nervous now. That night, on the bed, he begs for mercy, hoping that she'll end this state. She doesn't give a damn. No way am I giving in, whatever he says. Until he agrees.

Third day, night. On the bed. He's lying on the bed, looking to one side. She's lying on the bed, looking to the other side.
Ted: "We need to talk." Hannah: "Unless it's about the wedding, forget it."
Ted
: "It's something very important."

She remains silent.
Ted:"Let's get a divorce."
She did not believe her ears.
Ted: "I got to know a girl."

She's totally angry, and wanted to hit him. But she held it down, wanting to let him finish. But her eyes already felt wet. He took a photo out from his chest. Probably from his undershirt pocket, that's the only place she didn't go through yesterday. How careless.
Ted: "She's a nice girl."
Her tears fell.
Ted: "She has a good personality too."
She's heartbroken because he puts a photo of some other girl close to his heart.
Ted: "She says that she'll support me fully in my pursue for literature after we got married."

She's very jealous because she said the same thing in the past.
Ted: "She loves me truly."
She wishes to sit up and scream at him "Don't I?"
Ted: "So, I think she won't force me to do something that I don't want to do."

She's thinking, but the rage won't subside.
Ted: "Want to take a look at the photo I took for her?" 
Hannah: "...!"

He brings the photo before her eyes. She's in a total rage, hits his hand away and leaves a burning slap on his face.

He sighs. She cries.
He puts the photo back to his pocket. She pulls her hand back under the blanket.

He turns off the light, and sleeps. She turns on the light, and sits up. He's asleep. She lost sleep. She regrets treating him the way she treated him.

She cried again, and thought about a lot of things. She wants to wake him up. She wants to have a intimate talk with him. She doesn't want to push him anymore. She stares at his chest. She wants to see how the girl looks.

She slips the photo out. She wanted to cry and she wanted to laugh.

It's a nicely taken photo. A photo he took for her. She bends down, and kissed him on his cheek.

He smiled. He was just pretending to be asleep.

"You learn to love, not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly."







--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Biyernes, Setyembre 23, 2011

Para Sa Kanya.

I can't sleep alone no more
Since the day I first heard your voice
I lie awake in bed
With thoughts of you in my head

When I look into your eyes
My mind drifts into the sky
I tilt my head and weep
She turns this way my knees are weak

I know I don't deserve you
But thank God I've found you
To have you and to hold you
Would be the greatest thing
That I could ever know

And if I'm dreaming
Please don't wake me up
Cause I'd go insane
Without you near me

And while you're sleeping
I'm still standing up
Cause I'd go insane
Without you near me.




--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Linggo, Setyembre 11, 2011

C.R. ng MAYAMAN

WARNING: SA MGA MAYAMAN, WAG NYONG BABASAHIN

Sa Pilipinas, normal na ang mga CR na may bayad. May P2 at may P5. Kadalasan di ito malinis kahit na may bayad. Kahapon, nagpunta kami ng mga barkada ko sa isang mall na katabi ng Araneta Coliseum (Siguro alam nyo na yun). Nalibot na ata namin ang buong mall sa kahahanap ng C.R.. Sa wakas at nahanap na rin namin. 
Nang Papasok na kami, tinanong ko sa kasama ko

Ako: May bayad ata to eh
Kasama ko: Wala yan, Mall to, di to Bus Stop

Pagkapsok namin sa C.R. :

Janitor: Sir TICKET nyo?
*$!#@$$ ! Ano to sinehan?! 
Lahat kami ay Biglang bigla. Lahat na ata ng mura nasabi namin 

Kaya ayun, pumunta kami sa TICKET BOOTH (parang sinehan talaga amp)

Ako: Pare la ako barya kaw na lang magbayad
Kasama ko1: ako rin tsong
Kasamo ko2: Sige (sabay kuha ng P6 sa bulsa)

Nung binibigay nya na ang P6

Magtiticket: Sir kulang to. P10 isa

wtf?! ihi for P10 ?! For P10?! whoa.
P30- isang kaha ng Mars (Marlboro) na yan ah

Nagisip pa kami. Inisip na namin na sa Jollibee na lang kami umihi.
Pero, nandun na kami eh. Ang dami pa namang nakatingin sa amin. Baka isipin nilang pumunta kami ng mall na walang pera, kaya ayun, nag-CR kami sa CR ng MAYAMAN

Nandun na kami sa CR. Nung umiihi ako. Meron akong napansin:
Sa lahat ng pumapasok sa CR na yun, lahat silay binibigla ng Janitor

Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?

Lahat sila napapamura. Lahat sila napapa "HA?". Lahat sila naBWIBWISET.

Nung patapos na kami 

Kasamo ko1: Tutal mahal ang bayad, Ipabahay na natin to, Tetetats na lang ako! (Magbabawas daw)

Ang Masasabi ko:

Napakahirap na ang buhay sa Pilipinas. Bakit ba pati C.R. eh ang lakas nyong manubo? Ok lang naman kong P2, at medyo ok rin kung P5. Pero pag P10 na eh, below the pocket-line na yun. Dapat ko pa ba tong iharap sa Imbestigador o sa XXX para mahinto ang napakawalanghiyang operasyon na to. Hold-up yun eh. Hold-up mga pare. Kailangan maireport to sa BIR. 

P.S. : Sa mall na yun, wala na akong masasabi






--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Sabado, Setyembre 3, 2011

sa loob ng apat na sulok na BULOK.




nang nasa loob ako ng aming silid
ako’y umupo sa pinakagilid
pinagmamasdan ang buong paligid
ngunit wala akong napala sa aking pagmamasid
ang katahimikan ang namayani sa aking isipan
hindi ko na tuloy namalayan ang mga kaganapan
mga pangyayari sa loob at labas man
panandalian kong nilisan ang silid-aralan
ngunit tila may humila sa akin para magbalik
doon ko lamang napansin ang ibat-ibang salik
salik kung bakit di ko ninais ng magtagal sa looban
dahil sa mga hindi magagandang bagay na hindi ko malabanan

ang mahalimuyak na ihip ng hangin na may dalang kabahuan
ang mamahalin na display na electric fan
ang ilaw na tila di ilawan
ang magulo at sira-sirrang upuan
ang black board na walang chalk at pambura
pintuang hindi ma malaman kung paano isasara
flatform ng guro na gumuho na
lamesa ni Maam/Sir na ninanakaw ng iba,
classroom na binabaha,
classroom na mukhang tutumba,
gurong magulo at di maintindihan,
sa hina ng boses hindi mo na malaman ang usapan,
bayarin na walang katapusan,
kaklase na walang kapagod-pagod magdaldalan

kung sa apat na sulok na ito tayo ay bulok
paano pa ang lipunan nating baluktot
kailan ko kaya malalagay ang tuldok ?
kailan kaya makakarating sa magandang tuktok
na kung saan ang kapangitan
hindi madagdagan kundi mapalitan !



--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Martes, Agosto 30, 2011

si LOTTO..



ang daming taong lukang-luka sa pagtaya sa lotto. pero ang masasabi ko lang, sa totoo lang, wala talagang natutulungang tao iyong umimbento nito, kung sino man siya. kasi araw-araw, pinapaasa nila iyong mga tao na sila iyong mag-uuwi ng limpak limpak na salapi na siyang tutupad sa mga pangarap nila at siyang lulunas sa lahat ng mga problemang pasan-pasan nila. araw-araw nilang pinapaasa iyong mga tao sa posibilidad na sila iyong mag-uuwi ng jackpot pero ang totoo eh sobrang gatiting lang ng porsyento ng posibilidad na ito, para ka na ring umaasa sa wala. dito sa mundo, kailangan mong maging realistic.

pero hindi mo naman masisisi iyong mga tao kasi sino ba naman ang tatanggi sa kayamanang makukuha mo sa isang iglap lang diba? sinong tatanggi sa sandamungkang kaban ng cash na ang tanging paghihirap lang na ginawa noong tumaya eh iyong pag-iisip ng kung anu-anong numero mula sa petsa ng mga kapanganakan at kamatayan ng mga kamag-anak nila, pagcocombine-combine ng mga edad ng kung sino sino, anniversary ni ganyan, graduation ni ganoon, iyong napanagipan nilang mga numero, telephone number, serial number, per DTI NCR number, at lahat na ng number, integer, decimal, LAHAT! pero iyun-iyong problema eh. tinuturuan ng lotto iyong mga tao na umasa doon sa madaling paraan. mas naniniwala ako na kung mayroon kung gusto, kung anu man iyon, kailangan mong paghirapang makuha. kung gusto mo ng pera, paghirapan mong makuha ito. kung inipon na lang nila iyong bente pesos na pinangtataya nila araw-araw sa loob ng isang taon o di sana may siyete mil sila ngayon.

bagama't naiintindihan ko na para sa maraming tao, hindi naging mabait ang kapalararan at siguro kahi kailan eh hindi ko to maiintindihan kasi dahil kahit hindi man ako lumaking ginto iyong kutsara sa bibig ko, mapalad ako na hindi ko naranasan ang magutom bukod doon sa panahong nagpapayat ako, pero alam mo iyon, sa tingin ko, iyong mga pagsubok sa buhay ng tao katulad ng kahirapan eh ang siyang dapat magtulak sa iyo para maging mas malikhain sa kung papaano mo iaahon iyong sarili mo, at hindi iyong magtutulak sa iyo para maging malikhain sa pag-iisip ng mga numerong itataya mo sa lotto bukas.

your lucky numbers are: -5, square root of 8, x raised to 13, |90|, 24/7y, 11









--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Lunes, Agosto 29, 2011

pssst........

Psst......
Psst......
Psst......


KUNG MAY PAKIALAM KA,
LILINGO AT LILINGON KA
DAHIL ALAM MONG
NASA LIKURAN AKO
DI BA ??

Siguro..


Ang gusto ko
Ang gusto ko
Gusto ko sanang
Sabihin sa iyo




Pero paano
Paano
Pag malapit ka'y
Nauutal ako



Nahihiya
Tumitiklop
Nawawala bigla ang sasabihin ko



Ang nakikita ko lang
Ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko
Ay naglalaho



Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising



Ayaw ko
Ayaw ko
Ayoko sanang magmukhang t-anga sa'yo



Pero nalilito
Nalilito
Pag sasabihin ay nagbubuhol ang dila ko



At tulala nalang sa'yo
Ano ba naman bakit lagi nalang ganito



Ang nakikita ko lang
Ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko
Ay naglalaho



Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising



Parang wala nang mangyayari sa nadarama
Sa bawat araw parang lalong lumalala
Bakit ba sa'yo di parin ako nagsasawa
Aasa nalang
Kahit sa pangarap lang



Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising



Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising








--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--