Martes, Agosto 30, 2011

si LOTTO..



ang daming taong lukang-luka sa pagtaya sa lotto. pero ang masasabi ko lang, sa totoo lang, wala talagang natutulungang tao iyong umimbento nito, kung sino man siya. kasi araw-araw, pinapaasa nila iyong mga tao na sila iyong mag-uuwi ng limpak limpak na salapi na siyang tutupad sa mga pangarap nila at siyang lulunas sa lahat ng mga problemang pasan-pasan nila. araw-araw nilang pinapaasa iyong mga tao sa posibilidad na sila iyong mag-uuwi ng jackpot pero ang totoo eh sobrang gatiting lang ng porsyento ng posibilidad na ito, para ka na ring umaasa sa wala. dito sa mundo, kailangan mong maging realistic.

pero hindi mo naman masisisi iyong mga tao kasi sino ba naman ang tatanggi sa kayamanang makukuha mo sa isang iglap lang diba? sinong tatanggi sa sandamungkang kaban ng cash na ang tanging paghihirap lang na ginawa noong tumaya eh iyong pag-iisip ng kung anu-anong numero mula sa petsa ng mga kapanganakan at kamatayan ng mga kamag-anak nila, pagcocombine-combine ng mga edad ng kung sino sino, anniversary ni ganyan, graduation ni ganoon, iyong napanagipan nilang mga numero, telephone number, serial number, per DTI NCR number, at lahat na ng number, integer, decimal, LAHAT! pero iyun-iyong problema eh. tinuturuan ng lotto iyong mga tao na umasa doon sa madaling paraan. mas naniniwala ako na kung mayroon kung gusto, kung anu man iyon, kailangan mong paghirapang makuha. kung gusto mo ng pera, paghirapan mong makuha ito. kung inipon na lang nila iyong bente pesos na pinangtataya nila araw-araw sa loob ng isang taon o di sana may siyete mil sila ngayon.

bagama't naiintindihan ko na para sa maraming tao, hindi naging mabait ang kapalararan at siguro kahi kailan eh hindi ko to maiintindihan kasi dahil kahit hindi man ako lumaking ginto iyong kutsara sa bibig ko, mapalad ako na hindi ko naranasan ang magutom bukod doon sa panahong nagpapayat ako, pero alam mo iyon, sa tingin ko, iyong mga pagsubok sa buhay ng tao katulad ng kahirapan eh ang siyang dapat magtulak sa iyo para maging mas malikhain sa kung papaano mo iaahon iyong sarili mo, at hindi iyong magtutulak sa iyo para maging malikhain sa pag-iisip ng mga numerong itataya mo sa lotto bukas.

your lucky numbers are: -5, square root of 8, x raised to 13, |90|, 24/7y, 11









--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Lunes, Agosto 29, 2011

pssst........

Psst......
Psst......
Psst......


KUNG MAY PAKIALAM KA,
LILINGO AT LILINGON KA
DAHIL ALAM MONG
NASA LIKURAN AKO
DI BA ??

Siguro..


Ang gusto ko
Ang gusto ko
Gusto ko sanang
Sabihin sa iyo




Pero paano
Paano
Pag malapit ka'y
Nauutal ako



Nahihiya
Tumitiklop
Nawawala bigla ang sasabihin ko



Ang nakikita ko lang
Ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko
Ay naglalaho



Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising



Ayaw ko
Ayaw ko
Ayoko sanang magmukhang t-anga sa'yo



Pero nalilito
Nalilito
Pag sasabihin ay nagbubuhol ang dila ko



At tulala nalang sa'yo
Ano ba naman bakit lagi nalang ganito



Ang nakikita ko lang
Ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko
Ay naglalaho



Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising



Parang wala nang mangyayari sa nadarama
Sa bawat araw parang lalong lumalala
Bakit ba sa'yo di parin ako nagsasawa
Aasa nalang
Kahit sa pangarap lang



Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising



Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising








--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

dis-kri-mi-na-syon!

marahil biktima ka rin ng disriminasyon
talamak kasi iyan dito sa ating nasyon
ito ay lumilikha ng malaking dibisyon
sa ating lumolobong populasyon


sumisira sa bawat isipan
kumikitil sa ating lipunan
pumapatay ng kinabukasan
ng inosenteng mamamayan.


popular
adan vs eba
bakla vs tomboy
mayaman vs mahirap
makapangyarihan vs alipin
matalino vs bobo
ganda/gwapo vs pangit


marahil minsan pabor sa iyo
eh papaano aman ung iba
magtitiis na lang sila
sa ganitong kagawian


hindi ko malaman kung sino ang nagpasimula
at kung sino talaga ang may sala
ang aking lang matugunan
na ang gawing ito ay matuldukan.


nakakalungkot kasing isipin
ng ang mga susunod na henerasyon
ay maapektuhan ng ating panahon
ang ganitong mga gawain ay walang maidudulot na maganda


kundi walang hanggang pagdudusa at pagpatak ng luha
hahayaan mo na lang ba ang buhay mo
mawalan ng saysay dahil sa kagagawaan ng ibang tao
matitiis mo pa bang mumukmok sa isang sulok


dahil sa sistema nating bulok.






























--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Biyernes, Agosto 26, 2011

Inlab. LABo. laYO. Part III

Ang pagpapatuloy last na to...



Nagmahal ako ng hindi sinadya sa taong ipinaramdam din na ako'y may halaga. Nakita man ito ng ibang tao o hindi, alam ng Diyos at naramdaman ko na totoo ang naging pagmamahalan namin. Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng relasyong alam kong maipagmamalaki ko at pwede kong ikwento sa magiging supling ko. Nabigyan ako ng pagkakataong maging inspirasyon ng iba dahil naging huwaran ang aming pagsasama. Binagyo man kami ng kung anu-anong issue pero nalagpasan namin ito ng magkahawak kamay at lalong minamahal ang isa't isa. Naranasan kong maipagmalaki sa mundo at maramdamang pinakamagandang lalake kahit sa paningin lang ng isang tao -- sa taong mahal mo at mahal ka. Nalagpasan ko ang takot at natutong harapin ito dahil may isang taong naniniwala sa'yo -- siya. Minsan kasi, isang tao lang ang kailangan mong maniwala sa'yo.. okay na.. lalakas na ang loob mo. Napatunayan kong walang imposible sa isang masayang relasyon lalo't dalawa kayong "committed".. dalawa kayong lumalaban, dalawa kayong nagbibigayan at nag-aakayan.

Hindi lang naman pagmamahal ang bumubuo sa relasyong pinapangarap ng lahat. Kailangan din ng matinding pang-unawa, sakripisyo, bukas na pag-iisip, walang sawang pag-uusap, tiwala, pagkakaibigan, pagiging kontento at may patnubay ng Diyos. Hindi lang ito sa pagsisimula ng relasyon kundi sa araw araw ng inyong pagsasama. Ang matagal na relasyon ay nalalamatan ng dahil sa simpleng hindi pagkakaunawaan; nagwawakas dahil sa simpleng pagpapabaya.

*************************

Kahit ayoko, pinili kong lumayo. Binitiwan ko ang isa sa mga pinakaiingatan kong mawala. Niyakap ko ang katotohanang hindi na namin maibabalik ang dati naming pagsasama. Lumayo ako para sa mas ikabubuti naming pareho. Tinulungan ko ang sarili kong bumangon ulit at lumakad na ng pasulong. Lumingon man ako, sinanay kong ipikit ang mga mata ko kapag nararamdaman kong hinihila akong pabalik sa'yo. Binigay ko sa utak ko ang mga pagdedesisyon habang pinapagaling ko ang puso kong bugbog sa sugat at sakit. Binuksan ko ang mga mata ko sa reyalidad at sa lahat ng posibilidad. Oo, minsan naliligaw sa mga panalangin ko na bumalik ang pagmamahalan namin. Pero hindi na tulad ng dating ipinipilit kong ibigay ang hiling ko kahit maging awa na lang ang maging rason niya. Natutunan kong mahalin ulit ang sarili ko at maging masaya kahit sa simpleng mga bagay. Naging matagal ang proseso bago ko ulit nabuo ang sarili ko. Sa paunti-unting hakbang, nakikita ko na ulit na masaya na tignan ang mga mata ko.. na totoo na ang ngiti na nakakurba sa labi ko. Magaan na ang lahat. Makita man kitang may kasamang iba, walang kaplastikan akong ngingiti at sasabihing masaya ako para sa inyong dalawa.

Kapag naririnig ko ang kanta natin, hindi na ako nalulungkot. Ang naiisip ko, minsan sa buhay ko, naging masaya akong kinakanta ang kantang yon kasama ang taong minahal ko ng sobra. Ang pagmamahalan natin, ang naging labuan at ang paglayo ko ay naging magandang kabanata sa istorya nating pareho. Mas nakilala ko ang sarili ko at nalaman ang mga bagay na kaya ko pa lang gawin.


Walang kalimutang nangyari, at walang mangyayaring ganon. Mananatili ka, tayong isang masaya at magandang alaala ng nakalipas. Magiging aral at gabay ang lahat para sa taong nakalaan talaga para sa ating dalawa. Ang huling hiling ko na lang ngayon para sa'yo ay nawa'y naayos mo na ang gulo sa iyong sarili. Sa huli, magiging magandang inspirasyon tayo sa iba.

Salamat! :))





katapusan…






--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Inlab. LABo. laYO. Part II


Ang pagpapatuloy...


Gabi. Umuulan. Isang ordinaryong araw na tatatak sa isip ko.

"Hi!"

"Hello! :)"

"Kamusta ka?"

"Ayos lang! Ikaw?!

"Okay lang din."

"Good to know you're okay. Hows your day, mahal?"

"We need to talk!"

"We're talking, aren't we?"

"A real talk, I mean."

"Ano ba 'to, joke?"

(yamot...)

"Hmm.. matagal ko na 'tong pinag-isipan..."

"Ako din, ang dami kong napag-isipan lately.."

"Really? About what?"

"About us. :)"

"So, ikaw din pala."

"Yeah! Ayoko na ng ganito, baby..."

"Ayoko na din.. Kaya napag-isipan kong friends na muna tayo."

"Whhaa-whaaaattt? What do you mean by that?"

"Friends. No committment. But we could still hang-out together. And besides, sabi mo naman, ayaw mo na din ng ganito. Ang gulo na.. ang labo na."

"Right! Ayoko na ng ganito tayo, so I was thinking of making things new again. Aayusin natin.. SANA. Magsisimula ulit tayo. Pag-uusapan ang mga dapat pag-usapan."

(silence...)

"Mahal mo pa ba ako?"

"Oo naman. Hindi naman na mawawala yun."

"Gaano kamahal?"

"Hindi ko na sigurado..."

"Kailan pa?"

"Medyo matagal na."

"Ng hindi ko alam? Sana sinabi mo sa akin para hanggang ngayon sigurado ka pa. Para alam ko ngayon kung paano ako lulugar..."

"Ayokong masaktan ka!"

"Tengene naman! Ano feeling mo ngayon.. nagtatatalon ako sa tuwa?"

"Sorry... Ang gulo ko na din kasi. Kailangan ko ayusin sarili ko."

"Okay.."

Okay? At iyon lang ang nasabi ko? Seryoso? Well, oo. Yun nga lang ang nasabi sa dinamiraming gusto kong sabihin, okay lang ang naging ending. Ganun natapos ang gabi naming pareho --sa salitang okay. Hindi ako umiyak at hindi ko nakita o nalaman kung naiyak ba siya. Parang ang gaan ng lahat.

Helllllloooooooo?! wala nang "kayo!"

Yan ang paulit-ulit na nadidinig ko. Oo na.. Oo na!!

Kinabukasan, wala na akong kiss sa noo o beso man lang. Wala nang kumikindat o pabirong bumabatok sa akin. Anyare? I thought I was just dreaming last night. :( Then and there, tsaka ko naramdaman yung sakit. Nagsi-sink in na lahat. Gusto kong sumabog, gusto ko magwala at mainis sa sarili ko kung bakit okay lang ang nasabi ko.

"You look so sad. What happened?"

"Naiihi kasi ako. Samahan nyo nga ako sa CR."

"Di nga??"

"Sa CR na please? Di ko na kaya magpigil e.."

At habang naglalakad sa hallway.. gusto ku umiyak. Ayoko talaga ng ganung eksena. :/

"Ano ba nangyare sa'yo?"

"Wala na kami! :'("

(shocked...)

"For real? BAKIT???"

"Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Ang sakit pala. Ang sakit sakit!"

Bakit kapag nanliligaw, kailangan ng matinding approval para maging kayo. Kailangan mutuan decision palagi. Pero bakit kapag hiwalayan na, kahit isa lang ang magdesisyon, kahit ayaw mo, mag-aapprove ka. Not fair. :(

*************************

Mula noon, ninamnam ko ang sakit. Hinayaan kong makita siya na unti-unting lumalayo, habang ako nakahawak pa din sa nakaraan. Nasaksihan ko kung paano siya bumubuo ng bagong mundo na hindi na ako kasama, samantalang ako, hindi ko maiwan iwan ang mundong kasama siya. Nakita ko siyang tumawa habang ako, hirap na hirap ngumiti. Sulong siya ng sulong samantalang ako, palubog nang palubog. Walang too late sa pagmamahal, kaya gagawin ko ang lahat --lahat-lahat-- para mabawi ko ang pesteng okay na yun, kahit alam kong marami nang nagbago. Name it! Lahat ginawa ko. Isa na lang ang hindi.. ang bitawan at palayain ang sarili ko. Nag-iiinom ako at nalasing. Alam ko namang hindi mababago ng pag-inom ko ang katotohanan, inililihis ko lang yung pag-iintindi ko sa nararamdaman kong sakit. Sa pagsakit ng ulo o ano pang epekto ng alak, nakakalimutan kong broken hearted pala ako.. kahit sandali.

Umaga, tanghali, gabi... hindi ko na napapansing lumilipas ang araw. Nagtago ako sa madilim kong kwarto. Hinayaan kong pasayahin ako ng ibang tao dahil nakakasawa ang pakiramdam na malungkot. Ngiti dito, ngiti doon.. pero makikita pa din malungkot ang mata ko. Hanggang nagpakalayo ako, dala ang mga katanungang hindi ko masagot sagot. Pero minsan, sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan, sinasagot ka na lang ng Diyos. Binibigyang linaw Niya ang magulong mong utak.

Linggo. Huling misa ng araw na iyon. Umupo ako sa bandang gitna. Madalas, mag-isa lang naman ako magsimba. Tumitig ako sa altar at naluha. Para akong kinausap ng Diyos. Kinausap Niya ang puso ko. Nawala lahat ng bigat sa dibdib ko. Ang simple lang naman ng sinabi ko:

"Lord, yakapin Mo akong mahigpit. Tulungan po N'yo akong tanggapin na ang lahat. Bigyan Mo po ako ng mas malawak na pang-unawa. Ipaalala Mo po sa aking malaki ang mundo at maraming bagay ang pwede ko pang mapagdaanan, na mas mabigat pa dito. Give me strength po. Hindi ko po ito kayang mag-isa. Alisin N'yo po ang tumatakip sa mga mata ko."

Ang weird ng feeling pero parang nag-iba ang aura ko. Lumalabas-labas na ulit ako kasama ang mga kaibigan ko. Nakikipaghalubilo na ako, nakikipagkaibigan. Sabi nila, kapag gumagaling na ang sugat mo, nangangati na ito. Ayun, nangangati na ako. JK! :))

Kung gaano kami katagal naging magkarelasyon, ganun din halos katagal para matanggap kong tapos na kami. Na hindi na siya babalik. Na may iba na siya. Pinuno ko ng tao ang paligid ko. Mga luma at (lumang) bagong tao.. yung malayo sa kanya. Posible pala yung ikaw ang tinuturing niyang ngayon at bukas niya pero sa isang iglap, magigising ka na lang na ikaw na ang kahapon niya. Ang minamahal, naging minahal; ang nagpapasaya, naging nagpasaya; ang nakakasama, naging nakasama. Naging past tense na ang lahat.. naging past ka na niya. Masakit ituring na nakaraan ang taong turing mo'y ang iyong kasalukuyan at kinabukasan. Para lang din kayong nabubuhay sa magkaibang panahon. Pero ngayon.. tanggap ko na. Tanggap ko na ng buong-buo. Yakap na yakap ko na ang katotohanan.

Tanggap ko ng siya at ako ay isa na lang bahagi ng nakaraan. Isang nakaraang lipas at ngayo'y kumukupas. Tanggap ko ng ang forever naming dalawa ay matagal nang natapos. Tanggap ko ng ang mga pangako namin sa isa't isa'y isa na lamang mga salita, walang ng buhay at unti-unti nang nabubura. Tanggap ko ng hindi na kami ang prinsepe at prinsesa ng isa't isa. Maaaring ako lang ang naging daan para makilala niya ang tunay na bida sa knayng istorya. Isa na lang ako sa mga tauhang kaming dalawa ang bumuo. Tanggap ko ng ang tangi ko na lang pinanghahawakan ay mga alaalang inaanod na ng panahon. Tanggap ko ng hindi na iisa ang tibok na aming mga puso. At hindi na din ako ang magiging dahilan ng pagbilis ng pintig ng puso niya. Tanggap ko ng isa na lang kaming alaala. At sa kabila ng ilang sakit, nagpapasalamat pa din ako na naramdaman kong magmahal, mahalin.. at iwan.








Muling Itutuloy…







--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Linggo, Agosto 21, 2011

Inlab. LABo. laYO.


Maisip pa lang kita napapangiti na ako. Minuto pa lang na hindi tayo magkasama, namimiss na kita agad. Iipunin ko lahat ng barya sa bag ko, makapagpa-load lang para makareply sa text mo. Kung 'di man abot, mambubulabog ako ng mga kaibigan para makitext pa. Magpapakakorni ako, mapakilig to the bones lang kita. Okay lang na matawag na baliw, e sa hindi ko mapigilang ngumiti mag-isa. Ikaw lang, masaya na, cloud 9 na ang feeling.


Magpapakabait ako hindi para magpa-impress kundi para hindi tayo mag-aaway. Ikaw ang magsisilbing diary ko para hindi kita mapag-alala. Ipaaalam ko sa'yo lahat ng desisyon ko dahil kasama ka na sa buhay na binubuo ko. Nagiging baduy daw ako ng hindi ko namamlayan. Hangga't maari gusto kita kausap kahit wala naman talagang pinag-uusapan. Ikaw ang huling naiisip ko bago ako matulog, at ikaw ang bumubungad sa diwa ko pagkagising ko sa umaga. Tinginan pa lang natin, nagkakaintindihan na tayo. Tusok-tusok lang sa hepa foods, unkabogable date napara sa atin. Sabay kumain at matulog kahit hindi naman literal na magkasama. Magsusundo at maghahatiran tayo kahit pagod na buong maghapon. "Hehe!" lang sa text, agad mo pang rereplyan. Aalamin kung ano ang makapagpapasaya sa isa't para walang sandaling malungkot. Gagawing posible ang imposible. Ekis ang kalungkutan kapag tayo ang makasama. Ipakikilala kita sa buong mundo, ipagmamalaki. Nakagagawa ako ng mga bagay na akala ko hindi ko kaya (love letters, personalized gifts, etc.)



Gagawa pa ako ng gimik para masopresa kita. Isang tunog pa lang sa cellphone o telepono, agad agad ko ng titignan o sasagutin lalo't kung ikaw yun. Kung dati puroquotations ang laman ng inbox ko, ngayon puro messages galing sa'yo. Nagigingsentimental ang mga simpleng bagay. Nagiging espesyal ang mga ordinaryong araw. Sa'yo lang nakatingin ang mga mata ko kahit sino pang iharap mo sa akin. Simpleng kendi lang galing sa'yo, masaya na ako. Lahat ng first mo, memorable . Kahit minsan nga OA na -- First breakfast/ lunch/ dinner together, first bus ride, first date, first out of town, first holding hands, first kiss, first pikunan, first away, first gift sa isa't isa, at kung anu-ano pang first. I love you dito, I love you doon, kahit paulit-ulit nakakakilig.

Kung may hindi pagkakaunawaan, hindi pwedeng matapos ang isang buong araw ng hindi ito napag-uusapan, dapat maayos agad. Ang maliliit na alitan, mananatling maliit dahil naidadaan sa maayos na usapan at nagpapakumbaba sa isa't isa. Iintindihin kita, tatanggapin ng buong-buo, at mamahalin ng higit pa sa alam mo. Matutulog kang minamahal kita at magigising na mas minamahal pa kita kaysa sa kahapon. Halos lahat, nakaplano nang magkasama tayo. Hindi maitago ang saya sa mga mata natin. Wala na akong mahihiling pa. Pero isang araw, dahil sa isang bagay na hindi ko lubos malaman kung ano, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Tila naging baligtad ang ikot ng mundo.

*************************

Maisip lang kita, nasasaktan na ako. Lumilipas ang minuto, oras at araw na hindi kita nakikita pero hindi ko namamalayan. Wala akong load, kaya wag umasa sa reply ko.

"E wala nga akong load, paano ako makakapagtext?"

Wala naman dahilan, nag-aaway. Maliit na bagay, napapalaki hanggang sa magkayamutan na lang.

"Hindi ko naman kailangang ipaalam lahat sa'yo no!"
Dati rati'y kahit hindi naman tinatanong, e sasabihin mo pa.

"Kung mahal mo ako, tanggap mo kung ano at sino ako."

Konting 'di pagkakaunawaan, hindi na napag-uusapan, kaya lumilipas ang araw hanggang umabot ng linggo na hindi nagpapansinan, walang paramdaman. Madalas na tayong nagkakapikunan na minsan hindi ko na alam kung bakit at anong dahilan. Nabawasan ang saya, nawala ang kilig, nawalan ng amor sa isa't isa.

"Saan mo gustong pumunta?
"Bahala ka!"
"Ano ang gusto mo?"
"Bahala ka!"
"Tulog ka na, may gagawin pa ako.
"Tulog na. Goodnight!"

"Kaen ka na, tapos na ako."
"Kaen ka na, mamaya na ako."

"Sunduin mo naman ako.."
"Pwede bang sa susunod na lang? Napagod kasi ako buong maghapon."

"Hatid pa ba kita?

Tumunog man ang ilang beses ang cellphone o telepono, wala ng pagmamadali sa pagsagot. Naka-silent na ang cellphone o minsan idadahilan na lang ito kapag late reply sa text. Delete all messages na dati hirap na hirap kang magbura. Ulyanin na sa date at special day n'yo. Nagiging masyadong friendly na sa iba na minsa'y nauuwi na sa flirting. Kahit huli at halata na, harap harapan pang ide-deny sa'yo. Sakit lang! Bihira na ang sabihan ng i love you o mahal kita. Kapag may nagtatanong kung kamusta tayo, hindi ko na alam kung paano ko sasagutin ng tama.

"Eto going strong!" (nga ba?)

"Okay kami.. masaya!" (labas pa sa ilong habang sinasabi..)

"Sana maintindihan mo naman ako..."
"Hindi naman lahat kaya kong intindihin!!"

Mabubugnot. Mayayamot. Magagalit hanggang idaan sa bisyo, ibaling sa iba ang atensyon o hanapin sa iba ang nakikita mong pagkukulang. Minsan iiiyak ko na lang. Bakit naging ganito? Mahal kita at mahal mo ako, pero bakit wala na yung dating saya, yung dating kilig, yung dating tayo?

Gusto kong pag-usapan at ayusin kung anong nagyayari sa atin, pero tuwing sinisimulan ko, alam kong ayaw mong makinig, ramdam kong ayaw mong pag-usapan. Palilipasin ang problema pero mauungkat sa susunod na pagtatalo. Nagiging praning sa bawat kilos ng isa na nagiging tama sa hinala. Pagkagising sa umaga, hangga't maaari ayaw ko ng ikaw ang una kong maiisip dahil nalulungkot lang ako, naiinis. Nagbago ka, at oo, nagbagao din marahil ako. Oo, pwedeng pati ako nagsasawa na sa kakasuyo. Pero ikaw din ba, gusto mo din ba tulad ko na maayos pa natin ang relasyong dati'y walang away at puro pag-iintindihan at pagpapakumbaba?

Totoo bang sa una lang masaya? Totoo bang sa umpisa lang nagkakaintindihan? Totoo bang sa simula lang sweet? Kapag bago tsaka lang maayos ang lahat? Totoo bang kahit taon na ang pinagsamahan talagang darating sa panhong ganito, magulo? Kaya ba nating sayangin ang mga binuo nating pangarap? Kaya ba nating bitawan ang isang bagay na nakasanayan na at naging malaking bahagi na ng sistema ng ating pagkatao? Kaya mo ba? Kaya ko ba?

Bakit tayo naging ganito? May iba ba? O sadyang ikaw at ako ang problema? Ang daming tanong ang nagsusulputan sa isip ko. Ang dami kong kasagutang gusto kong malaman. Ang dating "hindi kita kayang mawala sa buhay ko," naging isang tanong na hindi ko alam kung paano ba dapat sagutin -- Kamusta ka na? -- Dahil sa hindi ko nga alam kung paano sagutin, tatlong salita lang ang nasabi ko: I miss you! Hindi ko na sigurado kung talagang nararamdaman ko ang mga salitang yan o dahil wala na talaga akong masabi pa.

"I miss you, too!"

Nangiti ako, pero bakit kumirot ang dibdib ko? Nagkulitan kami pero parang may iba sa pakiramdam. Nagkwentuhan tulad ng dati, pero hindi na tulad ng dati. Magkasama kami pero parang ang layo pa din niya. Nagiging cycle na lahat, paulit-ulit. Parang scripted na ang bawat galaw at sinasabi, expected na ang mga susunod na mangyayari. Kumbaga sa libro, intro pa lang, alam mo na ang ending ng istorya. Sunud-sunod na gabi, ito ang naging laman ng text niya:

"Goodnight, mahal! I love you. Mwuah.Mwuah Tsup.Tsup!"

Parang may nakasave na sa drafts niya tapos ise-send na lang niya tuwing gabi. Wala nang epekto. Wala ng dating. :( Kapag nakikita ko ang ngiti niya, alam kong kulang na ang saya. Kapag nagkakatitigan kami, alam kong may gusto itong sabihin pero hindi ko na mabasa. Para na kaming kumakapa sa dilim, parehas pang nakapiring. Para akong pipi, siya naman bingi. Ano na ba ang dapat kong gawin?




Itutuloy…





--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--