Galit ka kasi.. sinaktan ka?
Malamang. Pero sa tingin ko, lahat naman nasasaktan. Miski nga ako na may relasyon sa sarili ko lang, nagkakaproblema. Ang selfish niya kasi kung minsan. Hindi to maiiwasan pero syemps, ito naman talagang madalas na pinagtatalunan ng magsyota. Syota, kasi sa totoo lang isa akong disappointment sa kadramahan ng mga kaedad ko ngayon. Di na ko naniniwala sa mga relasyon, poreber alone. Haha (Pero hindi ako nagsasalita ng tapos. Palusot ito ng mga taong walang napatol sa kanila.)
"Nangako ka, huhu, sabi mo walang iwanan, di mo ko sasaktan, ano ngayon, wala! Sinungaling manloloko tarantdo walang modo walangya may balat sa pwet hayuuppp!" Kadalasan nang linya yan nga mga babae(or counterparts ng babae) sa isang relasyon. Pero sa totoo, wala ka namang dapat ikagalit. Nasaktan ang damdamin mo, nasaktan ang bulsa nya. Nasaktan pride nyong pareho. Quits quits lang.
Niloko ka?
Sa tingin ko relative 'to dahil 60% ng relasyon nyo, malamang naglolokohan lang naman talaga kayo. Panget ka! Tabachoy!Ahihihi. Tabachoy ako ah? Hindi.. ang cute mo kaya, mwahmwahtsup. Siguro kaya ka lang nagalit kasi nung niloko ka nung huling beses, di ka na nakabawi.
Pinabayaan ka?
Sabi mo walang iwanan, kung kailan kita kailangan, dun ka pa nawala? Ang OA lang nito. Gusto ko lang ipaalala na syota mo sya hindi mo nanay. At lalo naman sigurong hindi ka aso na kailangan pakainin ng tira-tira every after meal? Ay, wait. Kami lang ba yung ganun?
O nahihiya ka kasi naghubad-hubad kayo dati?
Yun na. Ito ang punch line nung message kaya hindi ko na 'to ieexplain. LOL
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento