Huwebes, Agosto 11, 2011

Ang May-sala

To Whom It May Concerned,


Alam kong walang napapadpad sa blog na ‘to.
Una, walang nakakaalam dito maliban sa ‘kin at sa sarili ko. Hahaha.
Ikalawa,  kung meron mang nakakaalam, wala rin naman silang pakialam. Hahaha..


anyway gusto ko lang ipakilala ang dakilang baliw na gumawa ng mga kabalbalan na  ito at ako yun hahaha.. ako nga pala si uhm.... Kellyboi na lang itawag niyo sa 'kin para CUTE :))


kasalukuyang isang mag-aaral na hindi nag-aarak mabuti. at dahil gusto kong magyabang, sasabihin ko sa inyo na isa akong ISKOLAR NG BAYAN... wala lang may maipagyabang lang. wag niyo na lang alamin kung saang PAMANTASAN ako nag-aaral dahil UTAK ang PUHUNAN dito at ilan lamang ang talaga ang nakakasurvive... :D


nakatira ako sa lugar na tinatawag na Kamaynilaan. isang lugar na puro squatters area. woooooooh! gayunpaman hindi ako isa sakanila pero ramdam ko ang hirap na punagdadaanan nila.


wala akong gaanong alam sa buhay. hindi ako magaling kumanta o sumayaw. wala rin akong isport. wala talaga. PRAMIS. kahit noong bata pa lamang ako [kahit bata pa naman ako talaga wag lang titignan ang aking height,] hindi ako mahilig maglaro. ayoko nang nagtatatakbo ako dahil isa akong lampayatot, madalas pa sumpungin ng hika..


sa totoo lang, matagal na akong palaboy sa blogosphere. mahilig ako magblog hopping pero wala akong sariling blog. pero noon yun, dahil meron na ngayon. bwahahaha... natutuwa ako sa mga bloogers. iniidolo ko sila [huwaaaaw. hahaha.] nagsimula yata ang pagkahumaling ko sa blogs dahil sa schoolmate ko nung high school na kras ko din dahil may sarili siyang blog. kras ko yun dahil matalino siya. I LOVE INTELLIGENT PEOPLE. ayun. kung hindi 'yon ang dahilan. malamang sa malamang sa malamang e dahil may blog naman talaga ako sa prendster dati. ang problema noong ginawa ko ang blog na 'yon ay hindi ko alam kung ano ang blog. wala akong ideya. kamakailan ko lang siya nalaman. hahaha... nawili ako magpost dati kasi may mga nagbabasa sa mga post ko, kahit di naman ako nagpapatawa. [naiintindihan niyo pa ba ang mga sinusulat ko???]


kaya ayun. hanggang dito na lang muna. sigee.. ingat :))






--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento