Sabado, Agosto 6, 2011

Di Totoong Mahirap Si Juan..

Di Totoong Mahirap Si Juan.


Kumakalam na tiyan. Bulsang 'di man lang makabili ng malamig na gulaman. Likod na madalas na malamigan dahil kartong lang ang higaan. Bubong na tinatagasan ng tubig ulan. Walang matinong maliguan at maebakan. Kaya ‘wag kang magugulat kung may bigla ka na lang matukurang echas habang naglalaro sa slide ng isang park. Yan ang mga eksenang makikita sa mga komunidad na nasa poverty line. Sa likod ng nagtatayugang mga gusali at mga naggagandahang mga tourist spots sa Pilipinas, nariyan ang nagdudumilat na kahirapan na siyang naglagay sa atin sa ranggo ng mga bansang may mataas na poverty rate. Pang-ilan tayo? Itanong mo dun kay Soriano.

Hindi naman syempre ang Pilipinas ang pinakamahirap na bansa sa mundo. Kahit papaano, may makakalkal na kalakal sa basura ang mga walang-wala. ‘Di gaya ng Congo at Zimbabwe. Ang bansang Congo ang pangalawa sa pinakamahirap na bansa sa mundo. Ito rin ang isa sa mga bansa sa Africa na pinamumugaran ng mga cannibal. Yung mga kumakain ng kapwa nila tao. Kailangan nilang gawin ito para mabuhay dahil sa laganap na kasalatan at kagutuman. Ano kaya ang lasa ng karne ng tao? Ang Congo ang siya ring pinakamasamang lugar sa mundo para sa kababaihan dahil ito ang nagtatala ng pinakamaraming kaso ng panggagahasa taun-taon. Uso dun ang mga larong rape-rape-pan at habulang-gahasa.

Kung gusto mo namang maging milyonaryo, dali at pumunta ka na sa Zimbabwe. Ang labo nga nitong bansang ‘to. Kase sila ang pinakamahirap sa buong mundo na may GDP per capita na 0.1$ pero halos lahat ng tao ay milyonaryo, bilyonaryo at trilyonaryo. Walang halong biro. Dahil sa sila ang may pinakamataas na inflation rate (87.9 sextillion percent inflation). Sobrang baba ng halaga ng pera nila. Halimbawa, ang 100 billion Zimbabwean dollars ay sapat lang para makabili ng ilang pirasong itlog. Hindi uso wallet dun. Isinasako at inilalagay sa bag ang pera nila kapag namimili. Gaya nitong batang ito:




Alam niyo bang ang halaga niyang perang iyan ay halos P130 lang sa pera natin. Alam mo kung saan pupunta yung bata? Bibili ng paborito niyang grande na mocha frap sa Starbucks. Isipin mo na lang kung kada magloload ka o magbabayad sa jeep, ganyan karami ang ibabayad mo. O kaya bibili ka ng laptop sa tindahan, tapos hila-hila ng kalabaw yung sandamukal na salapi na ipambabayad mo. Anak ng tupa, ang sarap at ang dali bilangin niyan. Tapos bigla kang magkakamali sa gitna ng pagbibilang. Yehey back to start!

Ang kahulugan ng 87 sextillion percent inflation ay sa loob ng isang taon ang presyo ng bilihin ay tumataas ng doble kada 1.1 araw. So kung ang isang tinapay ay nagkakahalaga ng 1 Zimbabwean dollar ng Lunes, sa Linggo ay 64 dollars na yun. Ganung kabilis. So Juan, sa dami ng iyong reklamo at pagkaaburido sa mundo isipin mong mas mapalad ka pa rin.  

So balik tayo sa tanong. Paanong naging dukha si Juan habang napapaligiran siya ng mga diyamante? Ang tinutukoy kong diyamante ay ang mga likas na yaman. Gaya ng malalagong mga kagubatan, malalawak na lupaing umaakit sa mata ng mga minahan, iba’t ibang klaseng prutas at halaman, at mga kahayupan. Sama mo na rin pati ang bentahan ng laman. Walang kapares ang biodiversity ng ating karagatan. Ang daming pusit lalo na kapag maraming bangkay ang palutang-lutang sa karagatan galing sa lumubog na barkong karag-karag. Mas malinaw pa sa gin at mas sariwa pa sa hito ang mga eksena na hindi pagpansin sa mga isdang galunggong na napapasama sa huli ng ating mga mangingisda mula sa karagatan. Kase noon, ito’y hinihingi lang at hindi binibili. Kase noon, masagana pa at meron pa tayong pambili. Pinas, perlas ka ng silangan. Mga dayuhan datiý pilit kang pinag-aagawan.

So inuulit ko, Juan bakit ka isang dukha? Dahil ba sa totoo yung sinabi ng mga kastila noon na tayo’y tamad, indiyo, inutil, walang mga pangarap at walang alam. O di kayaý sobrang relihiyoso natin na halos lahat ng kitain natin ay ibinibigay natin sa simbahan. O dahil baka hindi tayo kase marunong magbigay sa simbahan kaya tayo rin ay pinagdaramutan. Baka naman dahil sa marami lang ang mga nakabarong na patabaing-baboy sa gobyerno. Dahil ba sa kawalan ng matinong plano at inutil na sistema ng gobyerno. Baka dahil sa tila sinumpang lupa ang Pilipinas sa dami ng bagyo at iba pang kalamidad na nilalatigo ito. Pero para sa akin di hamak na mas malupit kesa kalamidad ang latigong mismong ipinupukol ng tao sa bayang ito. O baka ito lang ay epekto ng kapitalismo na isang sistema na kung saan ang malalaking isda ang siyang unti-unting lumalamon sa mga dilis gaya ng magsasaka, manggagawa, at maliliit na lokal na negosyo. Ibagsak ang kapitalismo ayon kay Zack Dela Rocha ng bandang Rage Against the Machine. O baka naman sadya talagang, Pilipinas kahit anong pilit mong itaas ang iyong sarili sa mundo gamit sina Pacquiao, Lea, Arnel at Charice; ýan talaga ang kapalaran mo.  

Maraming tanong. Meron mang kasagutan, pero nanganganak ulit ito ng mga tanong na paano? Kalian? Saan? Halimbawa, kung walang corrupt, walang mahirap. Nariyan ang solusyon, sipain ang kurapsiyon. Pero paano? Saan? Kailan? Sino? Maghahanap na lang siguro ako ng lampara o boteng may lamang genie. Tapos hihiling ako ng condo unit sa Eton Residences sa Makati at isang 2011 Toyota Land Cruiser. O patuloy na maglalakbay upang wakasan ang sistemang umiiral sa tatsulok na lipunan.




--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento