Marami sa atin ang naghihintay sa mga bagay-bagay. Yun iba, sobrang tagal na pero hinihintay pa rin nila. Yun iba naman, nasa tabi na nga nila pero naghihintay pa rin sa mas maganda. Yun iba naman, wala ng ginawa sa buhay kundi ang maghintay. Walang kapagod-pagod na maghintay. Pero bakit nga ba tayo naghihintay? Anu ba ang hinihintay natin? Sino ba? At ang tanong na wala pang nakakasagot, darating ba yun hinhintay natin?
Nakakapagod maghintay. Let's take it literally, maghihintay ka sa labas ng bahay ng kasama mo. O di naman kaya, maghihintay ka ng Taxi. O di kaya maghihintay ka ng upuan sa mga fastfood chains. Maraming naghihintay sa mga bagay na hinihintay. Minsan nakakapagod na. Minsan nababalewala mo na kung ano ang meron ka, kung ano ang nasa tabi mo.
Sa paghihintay natin, nasasayang ang iba nating oras na pwede pang magamit sa mas makabuluhang bagay. Yun bang oras na pwede mo pang magamit para sa mga mahal mo sa buhay. Yun iba kasi sa tin, wala ng ginawa sa buhay kundi ang maghintay. Kumilos dapat at hanapin mo. Huwag lang hintay nang hintay dahil there's only 20% na dumating yun hinihintay mo while there's 80% possibilty naman na makikita mo yun hinihintay mo pag hinahanap mo siya.
Ngunit paano kung sa paghahanap natin sa hinihintay natin, tayo naman ang hinahanap ng naghihintay sa atin? Ano ang gagawin natin? Mahirap diba. Paano kung ang ginawa na lang natin sa buhay natin ay parang hide-and-seek. Taguan at mahirap magkahanapan. Sa tingin mo, magkakatagpo pa ba ang hinahanap at ang naghahanap?
Minsan, magpahinga. Tumigil sa paghihintay o sa paghahanap. Makakabuti rin ang pause. Mag-isip. Sino ba ang hinihintay mo. O baka naman yun hinihintay mo ay nasa tabi mo lang. O di naman kaya, baka naman ikaw ang hinihintay at hinahanap. Umupo sa bench at mag-isip.
Sino ba talaga ang hinihintay mo? Wag ka lang maghintay bagkus, maghanap ka rin. Ngunit baka sa paghahanap mo, baka may taong naghahanap din sayo sa naghihintay sayo. Hindi ko na kaya ipaliwanag 'to. Ngunit tip ko na lang, wag ka na lang makipaghide-and-seek dahil mahirap maghanap..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento