Linggo, Hulyo 31, 2011

Kapag Umuulan..

(orihinal na isinulat noong ika-30 ng Hulyo taong 2011)


Kapag umuulan
Makulimlim, malamig
Ang himpapawid.
Makulimlim, malamig
Ang silong ng langit.


Kapag umuulan
Basa, nanggigitata
Minsa’y binabaha
Ang kalsada.
Basa, nanggigitata
Minsa’y binabaha
Ang banig ng bata.





























Kapag umuulan
Malamig, basa
Ang tiyan ng bata.
Nanggigitata
Ang bata
Habang mga paa’y
Nakasawsaw sa baha.



(ISANG PATUNAY ANG NASA ITAAS NA AKO'Y ISANG NAGPAPANGGAP LAMANG NA MANUNULAT ^_^)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento