(orihinal na sinulat noong Ika-22 ng Hulyo taong 2011)
Hinihintay kita...
Katulad ng pag-antay ko sa mga puting uwak
Katulad ng pag-antay ko sa mga itim na tagak
Hinihintay kita...
Tulad ng pag-abang ko sa taglagas sa pinas
Tulad ng pag-abang ko sa mga niyebe sa pinas
Hinihintay kita...
Katulad ng pag-antay ko ng bus pauwi
na di ko naabutan ang panghuling biyahe.
Nakakaawa ako...
Naaawa ako sa sarili ko...
Nag-aantay ako sa wala...
Nag-aantay ako sa milagro
Nag-aantay ako sa himala
Nag-aantay ako sa wala...
Pero ano ba ang magagawa ko
Kung ganito ako ginawa
OO mababago ko ito
Pero di parin mawawala
Kung sansan pat babalik parin ako
Babalik sa kahihintay sa iyo
Hihintayin kita...
Hihintayin kita....
Hanggang sa dulo ng aking tula
Hanggang ako'y mawalan ng hininga...
Hihintayin kita...
(hango sa tunay na kalagayan ng isang kakilala..)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento