Sabado, Hulyo 30, 2011

NANGGAGALAITING PULANG 'SINGKO'

(orihinal na sinulat ni Beedam Dorisco)




Hindi ko akalaing ganito
ang pambungad ng gobyerno
sa pagtataas ng presyo
lalu na ng petrolyo
na aapektado
sa lahat ng produkto
kawawang mga pilipino
umasa ng todo
pinanalo at binoto
bagsak naman ang serbisyo
puros pangako
lahat naman napako.

Hindi naman sa inakalang ganito
kundi inasahan ko na'to
kaya sa muli kong paggagrado
hindi man ako guro
ito
ang ibibigay kong numero
nanggagalaiting pulang 'SINGKO'
para sa estado
ng mga manloloko
at sa gobyerno
ng bobong si aquino

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento