Miyerkules, Hulyo 27, 2011

Nakakapagod na..

(orihinal na sinulat noong Ika-3 ng Mayo taong 2011)


sa totoo lang, nakakapagod na..
sinimulan ko, nangako ako sa 'king sarili na ipagpapatuloy ko kahit pa masakit, kahit pa ilang beses dumaloy ang aking luha mula sa 'king mapupungay na mga mata, kahit pa masugatan ako at halos dumanak ang aking dugo.. kahit pa mahirap.. kahit nakakapagod.. nangako akong ipagpatuloy ito..

noong una'y parang ayos lang ang lahat.. tila nagagalak pa ako habang pinagpapatuloy ang lahat.. habang hinahayaan ko lang na lumipas ang oras.. siniguro kong pinung-pino ang lahat.. sinisigurado ko na ang aking atensyon ay sa iyo lamang nakabaling.. higit sa anu pa man.. sa iyo lamang.. minahal kita.. minahal ko ang aking mga ginagawa..

kalaunan..hindi ko inaasahan.. hindi ko inakalang..dito rin hahantong ang lahat.. may nakapagsabing tila nasasaktan siya sa nangyayari..pagkalipas ng panaho'y...naramdaman ko na rin ang hapdi..masakit..akala ko'y di mo ako sasaktan..akala ko'y di ka taksil gaya ng iba..ngunit anong ginawa mo.. ako'y iyong pinaluha.. masakit.. napakasakit.. hindi ko akalain magagawa mo ang bagay na yaon sa akin.. hindi ko akalaing ako'y iyong paluluhain..sa aking puso't isipa'y nadarama ko ang hapdi.. napakasakit..

hindi lamang iyon..di ko pa akalaing sa aking pagpupumilit ay lubos na hapdi pa ang halos aki'y maramdaman..halos dumanak ang dugo.. halos maramdaman ko ang sakit... sa aking puso.. sa isang sulok ng aking isipa'y napaisip rin ako..sa aking puso'y halos nadama ko na rin ang sakit pagkat ako'y lubhang kinabahan..maigi naman at hindi hinayaan ng pagkakataong iyo'y maganap..at ako'y muling masaktan..at muling malunod sa dugo ang aking puso..

muli..ako'y iyong pinaluha..napakahapdi ng aking nararamdaman..humingi ako ng tulong sa iba ngunit tila di nila naririnig ang aking pagsusumamo..ang aking mga mga hinaing..lubhang nakakalungkot..
napagod ako..sa pagmamahal sa iyo..sa pagpapatuloy kahit ako'y lubos na nasasaktan..napagod ako sa pag-iyak sa lahat ng mga inilalabas mong katas..katas na nagbibigay pasakit sa akin.................................. nakakapagod nang umiyak.. nakakapagod.. nakakapagod n talaga..halos di ko na kayanin..










BUTI NA LAMANG..













buti na lamang.. buti na lamang at tapos na ang aking paghihirap..








BADTRIP TALAGA MAGTADTAD NG SIBUYAS NOH?! LALO NA KUNG PIPINUHIN MO.. SHETPAKS...SAKIT NG MATA KO E! GRABE TALAGA... IYAK AKO NG IYAK.. HAPDI NGA NG MATA KO! LANYANG MGA SIBUYAS YAN OH! TSK.. MUNTIK NA NAMAN NGA 'KONG MAHIWA E! BONGARDS BA NAMAN!! NAKUHH.. SIBUYAS TALAGA..


ahihi...aus bah? ;)



--hinaing ng isang mapagpanggap na manunulat--

1 komento: